Rachelle Ann at Gab, miss na miss ang isa’t isa pero nag-iisnaban!

MAKULAY AT NAGING matagumpay ang star studded na Araneta Christmas Tree Lighting Event sa Cubao nitong Biyernes ng gabi. Maraming Kapamilya stars ang dumating at naghandog ng mga mga sayaw at awitin sa mga fans na saksi sa taunang pag-iilaw ng pinakamalaking christmas tree sa Araneta Center. Hosts ng gabing iyon sina Anne Curtis, Nikki Gil at Melissa Ricks. Nakita rin namin sina Iya Villania, Jericho Rosales, Bugoy Drilon, Laarni Lozada, Erik Santos, Giggerboys ( Dino imperial, Ahron Villaflor, Robi Domingo), Maja Salvador at marami pang iba.
Nakatawag ng atensIyon sa naturang event ang pag-iiwasan at pag-iisnaban ng ex-lovers na sina Rachelle Ann Go at Gab Valenciano. Magkahiwalay ang production numbers ng dalawa.
Unang sumalang si Rachelle na kumanta ng “Let The Pain Remain.” Feel na feel ni Rachelle ang pagkanta at tinukso pa nga siya ng mga hosts. Paliwanag ni Rachelle, “Kailangan lang talaga, feel na feel mo ‘yung kanta. Ganoon lang naman ‘yun!”
Pagbaba ni Rachelle ng stage, nag-aabang na si Gab sa hagdanan dahil siya na ang susunod na magpe-perform. Pero walang pansinang naganap sa pagitan ng dalawa. Nakaka-tense lang kasi halos lahat ng mga tao, nakatingin at nakaabang sa magaganap na kumustahan.
Nagdedmahan at nag-iwasan ang dalawa pati sa kanilang dressing room, kung saan ay magkatapat na magkatapat ang kanilang upuan.

[ad#post-ad-box]

“Yeah, hindi nga kami nagpansinan. Pero ganon lang talaga siguro. Mas matagal mag-heal ang wounds ng mga babae,” paliwanag ni Gab nang nakausap namin ito.
Mas nagulat lang kami sa sumunod niyang pahayag na, “I miss her.”
Malaman ang mga statements ni Gab nu’ng gabing iyon at idinagdag pa niya, “I’m not seeing anyone right now. The next girl I wanna date is Rachelle Ann Go.”
Nabasa namin sa kanyang naging statements na willing siyang maghintay kay Rachelle Ann.
Sumagot din naman si Rachelle Ann.
Sa naging pahayag ni Gab na na-miss niya daw ang kanyang ex-girlfriend, ‘eto ang naging pahayag ng singer, “Nami-miss ko rin naman ‘yung mga magagandang memories namin.”
Hindi pa siya handang magkaroon ng panibagong love life pero aminado siyang nakakapag-move on na siya ngayon.
Hindi rin niya masagot sa ngayon kung may pag-asa pa ba sa kanyang puso si Gab kung sakaling manligaw ito ulit. Mas focused daw muna siya ngayon sa kanyang trabaho, sa kanyang pamilya at sa papalapit na Pasko!

CONGRATULATIONS NGA PALA sa ABS-CBN para sa tagumpay ng Philippine International Run para sa Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig. Iba’t ibang runners mula sa iba’t ibang panig ng mundo at bansa ang lumahok sa naturang marathon na nagsimula sa Quirino Grandstand at umikot sa mga kalsada ng Makati, Taguig, Pasig, Mandaluyong, Pasay at Maynila.
Ang 42-kilometer relay ay nilahukan pa ng big boss ng ABS-CBN na si Gabby Lopez kung saan tumakbo ito ng halos 8 kilometro mula sa JP Rizal sa Rockwell Makati, papuntang Robinson Pioneer sa Boni Avenue sa Mandaluyong, patungong Barangay Oranbo at tulay ng C-5 sa Pasig. Natapos ang kanyang takbo sa Market! Market! sa Taguig.
Ang grupo naman ng ABSCBN ay nilahukan din ng mga empleyado at ilang artista tulad ng mga Singing Bee singers na sina OJ Mariano, Apple Chiu at Michael Cruz!

Related Post

loading...

5 thoughts on “Rachelle Ann at Gab, miss na miss ang isa’t isa pero nag-iisnaban!

  1. TOTOO sabit lang at napaguusapan kung napaguusapan ka rachel.. yang talent mo ang pagbutihin mo look at sarah isinasantabi ang mga lalake.

  2. Naku…Rachelle. Huwag mo ng babalikan ang Babalung iyan. Gagamitin ka lang ng walang career na iyan .Napag uusapan lang naman iyan pag nababanggit ka! As in SABIT lang sa ngalan mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.