Rachel Alejandro at Geneva Cruz, mga foreigner ang bagong dyowa?!

Nakakaloka naman si Rachel Alejandro. Habang panay ang takbo ng air-conditioned jeep na inarkila ni Geneva Cruz para sa kanyang birthday, panay naman ang pakikipaglaplapan nito sa isang foreigner na kasama namin noong gabing iyon.

Hindi man aminin ni Geneva na ang isa pang guwapong foreigner ang ipinalit niya kay KC Montero ay obvious na iyon ang partner niya noong gabing iyon ng kanyang birthday, na kung saan ipinakita pa nito sa amin ang kanyang diary na nakasulat du’n lahat ang mga magaganda at pangit na mga nangyari sa kanyang buhay.

LAST WEDNESDAY AY nasa Batangas kami at hindi kami makapaniwala kung paanong ang ilang kapatid namin sa hanap-buhay ay nagsusulat ng mga bagay na walang katotohanan laban kay Gov. Vilma Santos.

Una, hindi totoong hindi sumasama sa flag ceremony si Ate Vi na tulad sa mga naunang napabalita. Ang tsika kasi, ‘pag Monday raw, ang Star for All Seasons  ay nasa kapitolyo nga ng Batangas, pero takot daw itong maarawan kaya kapag flag ceremony ay nasa air-conditoned room lang.

Hindi rin totoong napapabayaan ng Star for All Seasons ang kanyang tungkulin bilang gobernador, dahil kung meron mang isa sa pinakamasipag na leader ng Batangas ay si Ate Vi iyon.

Nagtataka kami kung bakit may mga taong naninira kay Ate Vi. Well kung sabagay, panahon na naman ngayon ng election at usong-uso ang bayaran. Tsuk!

WATAK-WATAK NA ANG grupo ng Sex Bomb, kung saan ay tuluyang nagpaalam na rin si Izzy Tirazona sa kanilang manager na si Joy Cancio. Mas gusto nitong pag-ukulan ng mahabang panahon ang kanilang relihiyon. Habang isa naman sa original member ay magpapakasal na rin bukod pa kay Jopay at Joshua na this year na ang pag-iisang dibdib.

Teka sino kaya ang isa sa mga member ng Sex Bomb na ang dating trabaho ay isang call girl? Alam kaya ito ni Joy Cancio?

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

2 thoughts on “Rachel Alejandro at Geneva Cruz, mga foreigner ang bagong dyowa?!

  1. ho-hummmm..nakakaantok issue pa ba itong dalawang pokpok na to…..kailangan pa bang ibroadcast na nanghuhuthot na naman si geneva at rachel dahil mga laos na laspag na starlet sila…..

    • korraak!!! mas lalo naman si geneva! feeling sikat pa din ever hahaha!!! eh mukha namang baklang pinagsasampal ng paulit ulit. kaasar talaga ang pagiging feeling sikat pa rin eh laos na laos na laos na! (laos version ng back 2 back 2 back)

Leave a Reply

Your email address will not be published.