Quiapo, Ni-Raid; Sangkaterbang CD at DVD, Nasamsam

BULTO-BULTO NG pi-niratang DVD, VCD at CD ang kinumpiska ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) sa isinagawang pagsalakay sa tatlong gusali at mga tindahan sa Arlegui St., Quiapo, Maynila.

Sinabi ni OMB Chairman Ronnie Ricketts na ang pagsalakay ay bunsod ng mga natatanggap nilang reklamo mula sa mga lehitimong producers na muling bumalik ang talamak na bentahan ng mga piniratang produkto sa nasabing lugar.

Dati na aniya nilang nalinis ang lugar subalit patuloy na bumabalik kaya hindi sila magsasawang salakayin ang mga ito.

Mas madali nang kumopya ng CD ngayon dahil hindi na guma-gamit ng replicating machine ang sindikato kundi downloading na lamang, dagdag pa ni Ricketts.

Wala namang ginawang pag-aresto dahil nagtakbuhan ang mga tindero.

Samantala, napansin din ni Ricketts na karamihan sa mga piniratang CD ay mula sa China kaya muli siyang makikipag-ugnayan sa Bureau of Customs (BOC) hinggil sa ilegal na pagpasok nito sa bansa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.