QUERUBIN NAGHAIN NA NG PETISYON

NAGHAIN NA NG amnesty application si Retired Marine Col. Ariel Querubin.

Dakong alas-10:00 ng umaga noong Martes nang ihain ng Me-dal of Valor recipient ang kanyang aplikasyon sa Defense Amnesty Committee Secretariat, sa Kampo Aguinaldo.

Si Querubin ay nahaharap sa court martial proceedings kaugnay ng February 2006 Marine Standoff.

Umaasa ang retired marine colonel na mag-a-avail din ng amnesty ang kanyang co-accused na sina retired Major General Renato Miranda at retired Army Brigadier General Danilo Lim.

Sina Querubin at Lim ay ikinunsiderang resigned nang kumandidato sila bilang senador noong May 2010 elections. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.