Quarry Site, Pasasabugan ng 400 Vintage Bombs

ITINAKDA NA ang pagpa-sabog ng tinatayang 400 vintage bombs sa quarry site sa Toledo City.

Una rito, umaabot sa 384 na mga bomba ang nahukay sa isang construction site sa ginagawang warehouse sa Holy Family 1 Village sa Barangay Banilad, Mandaue.

Ang lugar ay dating kampo ng militar noong World War II.

As of press time kahapon, naghihintay pa ng direktiba ang Armed Forces of the Philippines – Central Commnad (AFP-CenCom) na siyang mangunguna sa pagpapa-sabog sa mga bomba kasama ang Mandaue City Police Office (MCPO). Ang SWAT bomb squad ang magsu-supply ng kemikal na C-4 na gagamitin sa pag-detonate sa mga bomba.     (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.