QCPD DIR. MANTELE, BULAGSA OPERASYON NI DON RAMON

SA KABILA NG hinaharap na isyu ng ku-rapsyon sa matataas na opisyal ng militar, at ng pagkakasangkot ng kapulisan sa carnapping, namamayagpag naman sa iligal na pasugalan ang isang ‘Don Ramon’ sa buong Lungsod ng Quezon. Ito ang ipinagdiriinan ng aming impormante, na sa kanya pa umanong pagkakaalam, lahat ng uri ng iligal na sugal ay hawak ni Don Ramon – mula sa Cara y Cruz at pergalan, hanggang sa Jueteng.

Sinabi naman ng impormante na handa umano siyang lumabas sa publiko kung kinakailangan para patunayan ang kanyang mga pahayag.

Nagtataka raw ang impormante, dahil mistulang ‘untouchable’ na umano itong si Don Ramon, na hindi makanti-kanti ni Quezon City Police District Director Benhardi Mantele.

Sinabi ng impormante na isa umanong SPO2 Jorge Manabat ang kanang-kamay ni Don Ramon, at ito rin ang nagsisilbing kolektor nito sa iba’t ibang iligal na sugal sa QC. Idinagdag pa ng impormante na kilalang-kilala ni Mantele si SPO2 Manabat, kaya’t nagtataka ito kung bakit tila nagbubulag-bulagan si Mantele.

Pinagdududahan pa ng aming impormante na kung hindi direktang alam umano ni QC Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ang operasyon ng iligal na sugal ni Don Ramon, bakit daw ganito na lang kalakas ang loob nito sa kanyang iligal na aktibidades?

Tanong pa ng aming impormante, na dahil ba raw ito sa malakas ang kapit ni Don Ramon kay Papa Mayor? O, baka naman daw lahat ng mga opisyal ng QCPD ay may tapal, kung kaya’t hindi ito nagagalaw?  (Pinoy Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.