Pwersa ng Sultanato sa Sulu, mananatili sa Sabah

MANANATILI UMANO ang mga kasapi ng royal forces ng Sultanate of Sulu sa isla ng Sabah sa kabila ng ipinapatupad na crackdown ng Malaysian government kontra sa illegal foreign workers sa naturang bansa.

Ayon kay Sultanate of Sulu spokesperson Abraham Idjirani na ang utos ng sultanato ay ang pananatili ng tinatayang 1,500 na mga kasapi ng royal forces na naiwan sa Sabah bagama’t tahimik na ang sitwasyon hindi tulad noong kasagsagan ng standoff sa nabanggit na isla.

Tiniyak ni Idjirani na naka-stand down ang mga armas ng mga ito ngunit mapipilitan sila na gamitin ang mga ito kung ipipilit ng Malaysian government ang pag-crackdown at pagpapa-deport sa kanila.

Inihayag din ni Idjirani na maituturing na paglabag sa karapatan ng mga Pinoy na nasa Sabah ang crackdown dahil pawang political refugees ang mga ito.

Aniya, napunta ang mga Pinoy doon noong mainit pa ang Mindanao conflict noong 1974 kung saan mismong ang gob-yerno ng Malaysia ang nag-alok sa pag-evacuate ng mga ito sa kani-lang teritoryo.

Naniniwala naman ang Sultanate of Sulu na ang ipinatupad ang crackdown dahil nakita ng pamahalaan ng Malaysia na naging masagana ang pamumuhay ng mga Pinoy roon.

Posible din umano na natatakot ang nasabing gobyerno na matalo sila sa plebisito hinggil sa pagmamay-ari ng isla ng Sabah kung patuloy na manirahan at dumami pa roon ang mga Pinoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.