Puwedeng Maging Legitimate ang Anak

Dear Atty. Acosta,

NAGKAANAK KAMI ng aking nobyo ngunit hindi kami nakapagpakasal dahil pareho pa kaming wala sa edad sa ngayon. Dahil dito, illegitimate ang aming anak. Maaari po ba itong mabago?

Miss L

 

Dear Miss L,

ANG ESTADO ng iyong anak ay maaaring maging legitimate sa pamamagitan ng legitimation. Ang legitimation ay isang paraan kung saan ang mga batang ipinanganak na illegitimate dahil hindi nasasailalim sa isang legal at may bisang kasal ang kanilang mga magulang, ay ituturing na legitimate kapag ang kanilang mga magulang ay nagpakasal na. Bago naisabatas ang R.A. No.9858 o mas kilala sa tawag na “An Act Providing for the Legitimation of Children Born to Parents Below Marrying Age, Amending for the Purpose the Family Code of the Philippines”, bago maging kuwalipikado sa legitimation, kailangang ang kanilang magulang ay  hindi nagtataglay ng anumang balakid sa pagpapakasal noong sila ay ipinanganak. Dahil sa nasabing batas, ang Article 177 ng Family Code of the Philippines ay na-amiyendahan na:

Art. 177. Children conceived and born outside of wedlock of parents who, at the time of conception of the former, were not disqualified by any impediment to marry each other, or were so disqualified only because either or both of them were below eighteen (18) years of age, may be legitimated.

Samakatuwid, kahit wala kayong kapasidad ng iyong nobyo upang magpakasal noong ipinanganak ang inyong anak, ang inyong pagpapakasal kapag kayo ay tumuntong na sa tamang edad na labingwalong (18) taong gulang ay magiging sanhi upang maging legitimate ang estado ng inyong anak. Gayunpaman, maaaring magamit ng inyong anak ang apelyido ng kanyang ama kahit hindi kayo kasal. Ayon sa R.A. 9255, ang mga i-llegitimate na anak ay maaari nang magamit ang apelyido ng kanilang ama. Kailangan lamang na kinikilala ng ama ang kanyang anak bilang isang illegitimate child na makikita sa tala ng kanyang birth certificate o sa pamamagitan ng pag-amin sa isang pampublikong dokumento o sa pribadong dokumento na nasa sulat kamay ng nasabing ama. Kapag kinilala ng iyong nobyo ang inyong anak bilang kanyang illegitimate child, magkakaroon na rin ng karapatan ang iyong anak na makatanggap ng suportang pinansiyal mula sa kanyang ama. Magkakaroon na rin siya ng karapatang maging isang legal na tagapagmana nito.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

One thought on “Puwedeng Maging Legitimate ang Anak

  1. Dear atty. Acosta,
    magandang araw po..nais ko lang po humingi ng payo kung ano po ba dapat kung gawin.. may inireklamo po ako dati ko pong kapitbahay.. nagkaroon po kami ng pagtatalo at sa galit siguro bigla nya nasabi na “atleast ako hindi ako pabalik balik sa taas (tinutukoy nya po yung internet na malapit sa amin} para magpakita ng ari sa foreigner para magkapera” yan po ang binigkas nya… hindi po totoo yan kasi po yung internet shop bukod sa malaking company sya,nasa harap po sya ng school at malapit sa barangay hall… wala pong cyber sex na nagaganap sa loob ni hindi ko nga po alam na may webcam pala sa shop na yun kasi never po ako gumamit ng webcam at handa po magbigay ng statement yung mga staff ng internet shop para patunayan na walang cyber sex and kahit kailan hindi po ako gumamit ng webcam.. at madami po nakarinig sa paninirang ginawa nya at handa po sila tumestigo.. nagpang abot din po kami at nagkasakitan may medico legal din po ako at sya wala… nireklamo ko po sya ng paninirang puri at physical injury…
    tapos po kanina umaga unang hearing sa barangay nawalan po ako ng pag asa kasi po yung kagawad na nag assist sa kaso ko hindi po alam kung ano ibig sabihin ng cyber sex so ang nangyayari po pinaliwanag ko pa po sa kanya kung ano yung cyber sex… may dalawa po akong anak maliliit pa yung panganay ko po sa tuwing dadaan kami malapit sa bahay nung babae tumatakbo po anak ko natruma ata sa nangyari..takbo daw ako baka masaktan na naman ako…
    nagreklamo din po yung babae paninirang puri din pero lahat ng sinabi ko sa kanya totoo po at kanina aminado po sya na ginamot ko nga yung pangangamoy ng pagkababae nya at marami din po ang nakakaamoy hindi lang ako kaya nga po tinuruan ko pa sya ng tamang paglilinis at fiminine wash na gagamitin para maiwasan ang amoy…
    ano po ba dapat kung gawin nawawalan po ako ng pag asa sa takbo ng usapan kanina dahil kahit balubaluktot yung sagot ng isang panig mas marami po sya nasabi kaysa sa akin dahil nawalan na nga po ako ng gana kasi yung kagawad sa akin pa nagtanong kung ano ibig sabihin ng cyber sex…sana po mapayuhan nyo ako kung dapat kong gawin.. wala po akong pera para kumonsulta ng personal sa abogado kaya naghanap po ako ng furom nyo…sana po ay mapayohan nyo ako salamat po.. patnubayan po sana kayo ng maykapal marami po kayo natutulungan

    gumagalang,
    loren

Leave a Reply

Your email address will not be published.