Putol na Kamay sa Basurahan ng Bus Terminal

NAHINTATAKUTAN ANG dalawang bata nang buksan ng mga ito ang isang karton na may lamang putol na kamay sa isang basurahan sa New Bus Terminal sa Tacloban City kamakailan.

Base sa blotter ng Abucay Police Station 2, alas-7:53 ng gabi kamakailan nang makita ng mga bata ang isang karton na tinalian ng straw malapit sa paradahan ng jeep kung saan nakalagay ang isang putol na kamay.

Agad namang nagsumbong sa guwardya ang mga bata at humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Sa pagresponde ng mga kinauukulan kasama ang SOCO na si S/Inps Darwin Aclan Moraltos, napag-alaman na ang nasabing putol na kamay ay kay Jobel Mabahin, 26, isang ice cream vendor at residente ng Candiokan San Sebastian Samar.

Napag-alaman na nabaril si Mabahin noong Agusto 16 dahilan upang putulin ng mga doktor sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC).

Dadalhin na sana pauwi ng nanay nito ang putol na kamay sa Samar upang doon ilibing pero dahil matagal umalis ang sasakyan, napagdesisyunan na iwanan na lang sa isang basurahan ang putol na kamay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Putol na Kamay sa Basurahan ng Bus Terminal

Leave a Reply

Your email address will not be published.