Putol na kamay, natagpuan sa unibersidad sa Naga

NAGDULOT NG TAKOT sa mga estudyante ang pagkakatagpo sa putol na kanang kamay ng tao sa Unibersidad de Naga sa lalawigan ng Albay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakita ito ng isang Jeery Valenzuela sa basurahan sa gate 3 ng nasabing unibersidad sa Bgy. Bagumbayan Sur, kamakalawa dakong alas-8:00 ng umaga.

Ayon kay PO3 Toby Bongon, Naga City PNP, babae ang nagmamay-ari ng putol na kamay na nakabalot sa plastic.

Patuloy namang hina-hanap ng mga awtoridad ang katawan ng biktima upang matukoy kung sino ito.

Agad namang nakipag-ugnayan ang awtoridad sa barangay official upang ipag-alam sa mga residente ang pagkakatagpo at kung sino sa mga pamilya ang nawawalan ng kaanak.

Aminado rin ang pulisya na blangko sila kung sino ang may kagagawan ng karumal-dumal na krimen.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Putol na kamay, natagpuan sa unibersidad sa Naga

Leave a Reply

Your email address will not be published.