Putol na Kamay, Narekober sa Minahan; 5 Minero, Nawawala pa rin

ISANG KAMAY ng tao ang narekober ng search and rescue team sa ilang araw na ring operasyon sa gumuhong mining pit sa Sitio Panian, Semirara Island, Caluya, Antique.

Sinabi ni  Sherwin San Pedro, tagapagsalita ng bayan ng Caluya na kaliwang bahagi ng kamay ang natagpuan ng mga rescuers su-balit hindi matukoy kung sino sa mga missing ang nagmamay-ari nito.

Maliban sa kamay ng tao, wala ng iba pang narekober ang rescue team.

Ang limang missing ay una nang kinilala na sina Leovigildo Porras, Jan Riel Planca, Randy Amparong, Richard Padernilla at Junjie Gomez.

Maliban sa ipinadalang K-9 sniffing dogs, may mga foreign expert na rin na tumutulong sa search operation.

Samantala, kinumpirma ni San Pedro na nakapamahagi na ng relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kaanak ng mga biktima.

Nagbigay rin ang provincial government ng P10,000 na financial assistance habang P20,000 naman ang ibinigay ng munisipyo ng Caluya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.