Put the Little Girl to Sleep

OPLAN: PUT the Little Girl to Sleep.

Ayon kay Elena Bautista-Horn, ang planong ito ay tungkol sa gagawing pagpatay kay dating Pangulong GMA. Ang kanila umanong source na taga-Palasyo mismo ay hindi pinangalanan ng kampo nina Arroyo.

Sa ganang akin, walang may lakas ng loob sa pamahalaan na magpa-plano ng ganitong krimen kung walang basbas ni P-Noy. At kung ako naman si P-Noy, hindi ko gugustuhin ang ganitong senaryo… dahil sa dalawang bagay.

Una, bakit ko paiikliin ang paghihirap ni GMA? Kung talagang galit ako sa aleng ito, mas magandang buhay siya at nasa kulungan… dahil walang katulad na impiyerno ang kanyang mararanasan, araw-araw!

Ikalawa, bakit ko paiikliin ang pagiging presidente ko? Dahil kung mamamatay si GMA habang nasa kulu-ngan ay wala akong maikakatuwiran sa buong mundo! At tiyak na ito ang magmi-mitsa sa maaga kong paglayas sa Malakanyang!

Kahit nga si dating Pangulong Marcos, na ayon sa ulat ay talagang uhaw sa dugo ni Ninoy noon ay hindi niya ito magawang ipapatay sa loob ng kulungan!

Pero sa totoo lang, parekoy, naniniwala ako na ang nasabing Oplan ay totoong ipinarating sa kampo nina GMA ng mismong taga-Palasyo. At kinagat naman nina Arroyo, “hook line and sinker”!

Kaya nga agad nilang ginamit ang “Oplan: Put the Little Girl to Sleep” para hilingin sa korte na dapat lang i-house arrest si GMA. Pero ito rin ang kaagad ang ginamit ng pamahalaan bilang armas laban sa house arrest.

Na kung totoo nga ang “Oplan: Put the Little Girl to Sleep” ay nararapat lang ilagay si Arroyo sa isang government hospital upang maipagkaloob sa kanya ang ibayong seguridad! Presto!

Bukas nga, ayon kay RTC Judge Jesus Mupas ay dapat mailipat agad si GMA sa Veterans Memorial and Medical Center, na isang government hospital!

In short, kung totoo ang claim nina Elena Bautista-Horn na ang kanilang source ay taga-Palasyo mismo… maliwanag na ipinain lamang ang bitag na ito sa kanila!

Unsolicited advice.

Sa kampo ni GMA – Bago ninyo paniwalaan at isa-publiko ang anumang impormasyon na ili-leak sa inyo galing sa Palasyo ay suriin muna itong mabuti, baka isang patibong!

Sa kampo ni P-Noy – Dito sa kasong electoral sabotage, huwag kayong sasalag sa mga batikos, bagkus ay ihagis ito sa Comelec para lumabas na sila ang naghahangad na i-sample sina GMA et al sa bagong batas na ito!

Para kay GMA – Huwag nang maghanap ng kung anu-anong “luxury” dahil marami tuloy ang naiinis. Tanggapin na lang muna ang kapalarang ito para hindi ma-stress nang husto habang nasa kulungan… at nang malagpasan ang termino ni P-Noy sa 2016!

Para kay P-Noy – Tiyakin na walang bahid paghihiganti ang ginagawa ngayon laban sa mga Arroyo, para hindi rin dapuan ng karma kung wala na sa posisyon!

Para sa mga spokesperson – Dapat itigil na nina Lacierda at Bautista-Horn ang mga pansariling opinyon gaya ng pagpatingin sa psychiatrist.

Tandaan ninyo na bilang mga tagapagsalita, ang may suweldo lang sa inyo ay ang inyong mga bibig at hindi ang inyong mga dibdib!

Shut up!

 

Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734. 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

One thought on “Put the Little Girl to Sleep

  1. BABALIK NA RAW SI MIKEY ARROY RIYAN SA PILIPINAS. MATAGAL TAGAL RIN SIYA RITO SA SAN FRANCISCO. ANG SABI NIYA, HUMIHINGI SIYA NG DONATIONS SA ISANG PROJECT NIYA. ANG HULA NG MARAMI RITO.. . .ITINAGO NIYA ANG PERANG NINAKAW SA KABAN NG PILIPINAS NA NAKADIPOSITO RITO. INILIPAT SA PANGALAN NG CORPORATION PARA HINDI MAHABOL NG GOBYERNO NG PILIPINAS ANG NINAKAW NILA. PANSIN BA NINYO NA BIGLANG NAGPULASAN ANG PAMILYA ARROYO KASAMA NA ANG BROTHER IN LAW NI GLORIA. ANG IBA, NAGPA HONGKONG, USA, FRANCE. HULAAN NINYO. INILIPAT NILA ANG NINAKAW NILANG PERA NG BAYAN DAHIL ALAM NILANG MAKAKASUHAN NA SILA. PHILIPPINES, WAKE UP. PARANG MARCOS ANG TACTICS NG MGA ARROYOS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.