PUSSYCAT DOLLS Live in Manila! Strike 2!

Katulad na lamang ng inaasahan ng marami, dinagsa ng libu-libong mga tagahanga ang Mall of Asia grounds para mapanood ang Pussycat Dolls ng Live noong Hunyo 11, 2009. Marami ang naaliw at nabaliw ng bumirit na ang mga girlaloo na pinangungunahan ng ating pinakamamahal na kababayan na si Nicole. Ilan sa mga bagong kantang pinasikat nila ay ang When I Grow Up, I Hate This Part at Jai Ho. Bale, ikalawang beses na ng grupo sa ating bansa at hindi naman sila pinagsasawaan ng madla.

Syempre pa, hindi pa rin tinantanan ng ating groovy parazzi boy ang mga artistang mahilig din sa musika ng Pussycat Dolls. May nagmamadali, may umiiwas sa kamera, may mukhang nawalan ng ticket, may parang naghihintay ng makakasamang papa, may karga ang jowa at meron din mag-iinang gustong makatakas sa mga intriga at mag-enjoy muna sana sa concert. Kaso lang, lahat sila ay hindi nakaligtas sa lupit ng ating mga kuha boys.

Premiere Shots
by Micaela Rodriguez

loading...

One thought on “PUSSYCAT DOLLS Live in Manila! Strike 2!

Leave a Reply

Your email address will not be published.