Pusher at User ng Shabu, Huli sa Buy-Bust at Pot Session b

 

NADAKIP NA ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch, Provincial Public Safety Company, Regional Intellegence Divission at Philippine Drugs Enforcement Agency ang apat katao matapos ang buy-bust operation sa Brgy, Sapang Tagalog, Tarlac City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Sr. Inspector Marcelino Teloza kay P/Supt. Bayani Razalan, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Roberto Toledo Y Salvador, 37 anyos, residente ng Brgy. RCC sa bayan ng Norzagaray, Bulacan na umano’y kilalang tulak ng Shabu sa lugar; habang arestado rin ang mga kasamahan nito na sina Randy Gozum Y Diaz 48, may-ari ng bahay; Bryan Gavino, 23; at Melvin Mark Ocampo, 32, kapwa residente sa nabanggit na siyudad.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni SPO4 Willy Alcantara, dakong alas-9 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa inuupahang bahay ni Toledo na pag-aari ni Gozum, kung saan nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis.

Nabatid sa mga pulis na matagal na nilang sinusubaybayan ang kilos ng nabanggit na drug pusher kung saan sa hindi sinasadyang pagkakataon nagsasagawa pala ng pot session ang mga suspek sa loob ng nabanggit na bahay.

Kung saan nakumpiska mula sa kanila ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu, at ilang Shabu paraphernalia, at pera na ginamit sa buy-bust operation sa Brgy. Sapang Tagalog, Tarlac City.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Tarlac City Jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sec. 5-15 ng Article ll ng Republic Act 9165. (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.