Pursuit Ops sa Guingona Ambush, Pinaigting

PINAIGTING NG Kapulisan ang pagtugis laban sa pinaghihinalaang kasapi ng New People’s Army (NPA) na itinuturong salarin sa pana-nambang sa convoy ni Gingoog City Mayor Ruthie Guingona, na ikinasugat ng alkalde at ikinamatay nang dalawa sa mga escorts nito.

Sinabi ni Philippine Army’s 4th Infantry Division spokes-person Maj. Leo Bongasia na pinaghihinalaan nilang mga tauhan ng NPA-Guerilla Front 4B ng North Central Mindanao Revolutionary Command ang nasa likod nang ambush.

Idineklara nang “out of danger” ng mga doktor at nasa stable na kondisyon na ang sugatang alkalde at kasamang pulis na sugatan din na nakilalang si PO3 Rolando Benemirito.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, lulan ng Toyota Hi-Lux pick-up truck si Guingona at pauwi na sana nang mangyari ang pananambang pasado alas-10:00, Sabado ng gabi, sa bahagi ng Lower Kapitulangan, may 15 kilometro sa timog-silangan ng Gingoog City.

Galing umano sa pagdalo sa isang pistahan sa Upper Kapitulangan ang mga biktima.

Si Mayor Ruthie ay asawa ni dating Vice President Teofisto Guingona at ina ni kasalukuyang Sen. Teofisto Guingona, Jr.

Samantala, inamin ng Communist Party of the Philippines-New Peoples’ Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) North Central Mindanao na sila ang responsable sa pananambang sa convoy ni Gingoog City Mayor Ruthie de Lara Guingona.

Ayon naman kay  (CPP-NPA-NDF) North Central Mindanao spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris, ang kanilang tropa sa Front Committee 4-B ng Misamis Oriental ang gumawa ng naturang pangyayari.

Nilinaw rin ni Ka Oris na hindi nila tinambangan ang grupo ni Guingona, bagkus ang mga police escorts ng opisyal ang unang nagpaputok habang nagsasagawa ng checkpoint ang kanilang mga kasamahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.