Pursigido na sa pagpapapayat
Eugene Domingo, type nang magka-dyowa!

ANG LAKAS pala talaga nitong kantang Pusong Bato na pinasikat ni Alon.

Kahit mga bata, kabisadung-kabisado nila ang kanta. Naging kontrobersyal ang kantang ito dahil sa paglabas ng unang kumanta na si Aimee Torres.

‘Di ba lumabas sa Startalk ang kuwentong ‘yan na hinahabol ngayon ni Aimee dahil sa siya raw talaga ang nagmamay-ari, dahil binenta pala sa kanya ni Alon ang kantang ‘yun?

Umabot na raw sa kasuhan at ang ending si Aimee ang kinatigan ng FILSCAP dahil siya naman talaga ang nagmamay-ari ng naturang kanta.

Natigil na nga ang pag-replicate ng album ni Alon kaya umariba sa charts ang album ni Aimee.

Nagkainteres ang Startalk na i-research itong si Aimee at napag-alamang napaka-kulay ng kuwento ng buhay niya kaya guest namin siya nu’ng nakaraang Sabado.

Naloka kami, ‘day dahil ang taas ng rating ng segment niya, at ang daming nagkainteres na malaman ang tungkol sa kanya.

Malungkot pala ang buhay niya nu’ng tumigil siya sa showbiz dahil nakapag-asawa ito na nakasama lang niya ng dalawang taon.

Nagkasakit itong asawa niya at inalagaan niya hanggang sa namatay.

Pero nu’ng namatay ito, wala siyang nakuhang mana dahil kinuha pala ng apat na anak nu’ng lalaki. Meron pala siyang apat na anak sa dating asawa pero legal na siyang asawa kaya dapat na siya ang may karapatan. Pero hindi na niya ito nahabol at ipinaubaya na lang niya sa apat na anak niyang may pusong bato.

Hindi nga namin sineryoso ang kuwento, pero malungkot pala ang buhay niya noon at naniniwala siya na makakabawi siya pagkatapos sumikat itong kanta niya.

Naku! Dapat na magkainteres ang Magpakailanman na gawin ang kuwento ng buhay niya.

 

KAPANSIN-PANSIN NA ang laki nang ipinayat ni Eugene Domingo, ha! Meron pala itong sariling nutritionist na nag-aayos ng mga kakainin niya araw-araw.

Ang ganda ng pagpayat niya, pero sabi nga niya, hindi lang daw dahil sa gusto niyang makapag-suot ng mga seksing damit, kundi para sa health din.

Pero tingin ko riyan kay Uge, talagang gusto nang makapag-dyowa kaya conscious na siya ngayon sa looks niya.

Sabi naman niya, handa na raw talaga siya at sa mga naabot niya, siguro panahon naman daw na sarili na niya ang iisipin niya.

Willing nga raw siyang isantabi ang career alang-alang sa lovelife. Gusto naman daw niyang magkaroon na ng sariling pamilya.

Puwedeng-puwede naman daw siyang magka-baby, kaya paghahandaan niya ‘yan.

Naniniwala naman si Uge na kung ibibigay talaga sa kanya ng Diyos ang lalaking iibig sa kanya, darating ‘yun.

Good luck, Uge!

 

MAGTI-TAPING NA ngayon si Dawn Zulueta na kapalit ni Maricel Soriano sa teleser-yeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Kasama nga riyan ang alaga kong si Tonton Gutierrez, at natuwa naman siya dahil kasundo naman niya si Dawn.

Ang latest na narinig ko, nandiyan pa rin naman daw ang kontrata ng ABS-CBN 2 kay Maricel at bibigyan pa rin daw ito ng programa. Kailangan daw nilang sundin ang nakasaad sa kontrata.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Pursigido na sa pagpapapayat
Eugene Domingo, type nang magka-dyowa!

  1. posibleng pumayat siya at magpa liposuction, ang problema yung mukha niya, seksi nga pero kung mukhang bisugo naman, do rin magkaka boyfriend unless kung bayaran niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.