Puro daldal lang?! Annabelle Rama, ‘di sumipot sa hearing ng kaso nila ni Nadia Montenegro!

HINDI DUMATING SI Annabelle Rama sa hearing ng kaso nila ni Nadia Montenegro sa Quezon City Regional Trial Court kahapon, November 15.

“Kung anuman ang mga sinasabi niya sa akin, I really don’t care. Basta ang lahat, nasa korte na at alam naman ng mga tao kung anong klase siya, ‘di ba?” Panimula ni Nadia Montenegro sa Pinoy Parazzi nang kausapin namin siya.

Limang kaso na ang naisasampa ni Nadia laban kay Tita Annabelle. “At ito ay ang Child Abuse, Oral Defamation, Falsification of Public Documents, Libel on Twitter, and last ‘yung Libel on TV,” sabi pa ni Nadia.

Ayon pa sa kanya, hindi niya uurungan si Tita Annabelle sa anumang laban lalo pa at ito ay idadaan sa korte. “Ngayon malalaman ng publiko kung sino sa amin ang nagsisinungaling. Dahil ako, lahat ng mga demanda ko sa kanya with documents.

“It’s too personal… ang mga bira niya sa akin. Siguro ganu’n lang naman talaga siya. Kaya kung mapapansin n’yo, hindi ako lumalabas at nagpapainterbyu. Kasi mga anak ko na ang isyu rito at hindi na ito laban ko. Feeling ko kasi, masyado na niyang tinatapakan ang buong pagkatao ng mga anak ko. Ang dami-dami niyang sinasabi laban sa aming pamilya na below the belt na talaga, at hindi ko ito papayagan.”

At sa away nina Annabelle at Nadia, lumutang ang pangalang Daisy Romualdez, kung saan ay si Mama Daisy raw ang nanunulsol kay Nadia na kalabanin si Annabelle. “Hindi naman ako ang klase ng tao na nasusulsulan. Walang nanunulsol sa akin. Kung ano man itong ginagawa ko, ito lang ang talaga ang nararapat, at kahit na sinong magulang ay gagawin ito para ipagtanggol ang kanilang anak.”

Bukod kay Tita Daisy, sangkot na rin si Ruffa Gutierrez sa usapin. “Nag-text siya sa akin at hindi maganda ‘yung mga sinasabi niya against me. Ang masasabi ko lang, hindi ako nakikipag-away sa kanila, dahil ang sa akin ay kung ano lang ang katotohanan. Now kung sumasali si Ruffa, ewan ko sa kanya, bakit ganu’n?”

Palala nang palala ang away nina Annabelle at Nadia. Dahil sina Daisy at Ruffa ay sangkot na sa usapin at wala raw dapat ikatakot si Nadia sa mag-inang Ruffa at Annabelle.

“Sasampalin ako ni Annabelle? Sige, gawin niya!” kontra hamon ni Nadia laban kay Bisaya.

 

SA PICTORIAL NG pelikulang Yesterday Today and Tomorrow, nakausap namin si Gabby Concepcion. At ayon sa aktor, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ni KC Concepcion.

“Actually ‘pag nagkikita kami, masaya kami. Wala kaming dull moments at hindi namin pinag-uusapan ang tungkol sa aming work. Ang pinagkukuwentuhan namin, ‘yung pagiging mag-ama namin,” pahayag ni Gabby na natawa sa isyung may kinalaman daw sa gender ang dahilan nang hiwalayan nina Piolo Pascual at KC.

“Matagal na akong nakakarinig ng mga ganyang issue, pero ayokong patulan. I mean unfair naman siguro ‘yun kay Piolo, para sabihing ganu’n, ‘di ba? Siguro kung anuman ‘yung dahilan, kung totoo ngang hiwalay na sila, eh, hayaan na lang natin sila. It’s too private na ‘yan.”

Samantala ikinuwento ni Gabby na excited siyang makasamang muli si Maricel Soriano. “Nagkasama na kami sa Yesterday, Today and Tomorrow, pero ibang klase itong amin ngayon. Kumbaga dati kasi, triology. Pero ngayon, magkakasama kami in one movie, pero magkakaiba ang aming mga kuwento.”

Sa kabuuan, sinabi ni Gabby na ang pinirmahan niyang kontrata sa Channel 5 ay non-exlusive na ang ibig sabihin ay puwede pa siyang gumawa ng mga project sa Channel 7 or Channel 2. “Masmaganda ‘yung ganu’n, ‘di ba? Mas maraming projects, mas masaya,” pagwawakas ng aktor sa Pinoy Parazzi.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

24 thoughts on “Puro daldal lang?! Annabelle Rama, ‘di sumipot sa hearing ng kaso nila ni Nadia Montenegro!

  1. si eddie naman wala yatang bayag. di kayang pigilan si annabelle sa pagsasabog ng kagagahan. hehehe, dapat eddiepalitan mo na ng BUGOY ang pangalan mo hehehe.
    BUGOY BUGOY BUGOY BUGOY hehehe

  2. Sana manalo si Nadia sa case na sinampa niya kay Bisaya dahil para makakita sya ng katapat niya and beside may pending pang kaso si Bisaya sa GMA7 executive. siguradong tuwang tuwa si Wilmang Ilong ng GMA7 kapag nanalo si Nadia.

  3. hoy cisty si nadia mataba pero maganda, pag pumayat maganda pa rin eh ikaw, payat ka man or mataba, pangit at pangit ka pa rin. kung si nadia eh bawang , ikaw luya!

  4. What else is knew with Annabel. madada kasi sana makarma na sila, marami na kasing pera na alam nyang kaya nyang bayaran. Pati si Ruffa gustong makisawsaw, sa kaso nga nila ni John lloyd si Shaina ang dinidiin nya miski alam nyang si John lloyd ang nag text sa kanya ng mga pangit. Bagay publicity, kaso sana kanila naiinis ang mga tao. Sana may tumulong kay Nadia para may lumaban kay annabel, Siguro financially kailangan nya ang tulong to fight annabel sa korte, dahil magstos etong laban na eto at kayang kaya ni annabel gumastos dito. Nagbayad na kaya sina annabel sa unpaid taxes noong kanilang production or natabunan din sa Court?

    Sana mahalungkat ng Govt.

  5. hahahaaha pare-pareho lang naman gaya ninyo nakikisawsaw kyo pati iyong ndi kasali sa usapan sinasama ninyo di ganon din kyo mga pinoy nga naman magaling mamuna pero sila iyon hahahahahamga hipokrita m2log na lang kyo dyan baka bumait pa kyo!!!!

  6. TAMAAAAAAAAAAAAAAA,,,,,,,IKAW ANNABELLE PAMINSAN-MINSAN TATANGGAP KA NG KAMALIAN MO AT NANG MAKUMPLETO ANG PAGIGING TAO MO,KASI LAHAT NA LANG DINADAAN MO SA TAPANG,DINADAAN MO SA PAGKABISAYA MO, HINDI LAHAT NG BISAYA AY GAYA MO,,TOTOO WALA KA  TALAGANG MODO,BASTOS PATI,PINAGMAMALAKI MO KASI MAPERA KA,YAN ANG AKALA MO,ALAM NG LAHAT MATATALO KA NI NADIA SA KASO,AT YANG MGA ANAK MO KAHIT NA SINONG MAKAAWAY MO LAGING NAKASAWSAW,LALO NA YANG SI RUFFA MO NA SA TOTOO LANG MUKHA NA SYANG BAKLA NGAYON LALO KUNG MAGSALITA,,,AT WALANG IPINAGMALAKI KUNDI HABA NG HITA NYA EH KULUBUT NA NMN,LAM MO RUFFA,ITATANONG KO LANG KUNG TAPOS NA BA ANG PROBLEMANG GINAWA MO KINA SHAINA AT JOHN LOYDKASI KUNG AKO SAYO YUN NA LANG ANG HAHARAPIN KO HINDI UNG SAW SAW KA LANG NG SAW SAW SA PROBLEMA NG NANAY MO NA WALA NAMANG ALAM KUNDI MAGMATAPANG NG WALA SA LUGAR, AHHH PAALALA RUFFA, IWASAN MO RING MAKIPAG-AWAY SA BATA SAYO KASI LALO KANG NAGMUMUKHANG BAKLA,HAMAK LAMANG SAYO SI SHAINA SA GANDA AT BATA KAYA MANAHIMIK KA NA LANG,SABI NG ISANG WRITER NANAHIMIK KA RAW ,NOON UN KASI MAY ASAWA KA PA, PERO NGAYON WALA NA, KAYA NANGGUGULO KA NA NG MAY KARELASYON AT ANG GINUGULO MO PA AY UNG DATI MONG KARELASYON, BIG SABIHIN UMPISA NA NG PAGHAHANAP MO NG LALAKI AT ANG NAIISIP MO AY SI JOHN LOYD, MAHIYA KA.SAYO NMN RAYMOND BAKLA KA NGA, PINAPATUNAYAN MO YAN SA PAGKAHILIG MONG MAKISAWSAW SA PROBLEMA NG BABAE,NG NANAY MO ,NG KAPATID MO,,,BAKLAAAAAAAAAAA

  7. @pechay, bakit naman sinabi yon ni cristy kay nadia, pareho naman silang malaking puson at maskulado, mas maputi at mas maganda lang nga si nadia kay cristy pero pareho silang tatlo si anabel, nadia at cristy, sigi magsabunotan sila mga bungangera.

  8. i hate them coz their issue is so cheap.. Isama mo pa si ruffa nkikilevel ke kris ulata nmn na idol nia ito.. Kalokah

  9. what do you expect from the likes of Ruffa and Annabel? They are the reasons why educated and rich people look down on Showbiz personalities. Kacheapan to the max ang Gutierrez family. No amount of money nor paid writers could save their already rotten reputation.

  10. korek kayu
    yang si annnnabel na yan ay wlang modo
    ka-cheapan ang eksena nya
    ultimo nga yang mga anak na lalake nakikisawsaw
    eh hindi naman kase lalake si raymond kundi 1 bunsong babae (iha)
    bakit naman di makontrol ni Eddie ang asawa nya..palibhasa wala syang naipapasok na pera sa pamilya…..

    so cheap…

    matatalo sa kaso yang si annnabel…sa interbyu,…ultimo mga bagay na non-related sa kaso ay inuungkat nya

    so cheap..halatang walang pinag-aralan tong si annabel..pati anak nyang si Ruffa
    may nalalaman pa tong si Ruffa na pag-boborn again christian

    what????

  11. korek ka dyan bilmoko at yan din ang napupuna ko sa mag-iinang yan isama mo pa ung kambal na kalalaking tao eh mahilig makisawsaw sa gulo.

  12. ang mag inang ruffa at ang nanay nya parang kanila ang mundo gumagawa ng gulo para mapag usapan.mga hindi marunong mahiya….aanhin mo ba ang pera at ang kasikatan kung wala ka namn kahihiyan

  13. Mukhang well known na si Ruffa sa pagte-text ng hindi maganda. I-save mo lang ang text messages ni Ruffa as proof in case sampahan mo rin siya ng demanda.

  14. My observation, Nadia and Genelyn Magsaysay have a lot of similarities. They both entered showbiz at an early age. Became mistresses to older politicians. They stopped working and lived in luxury life. Sadly, they both balooned . And now their worries are money, money, and money.

  15. Ano ba itong si Ana bel , ang daming kaaway, may nabasa din ako sa ibang website na not on speaking terms daw itong si bel at bff niyang si daisy dahil daw sa komisyon ha hindi pa daw binigay ni bel kay daisy sa pag manage nito ng anak ni daisy. Totoo ba ito? Hay naku, kung pera na nga ba ang pag-usapan (kung totoo man ito!) -__-

Leave a Reply

Your email address will not be published.