Puri ng Dalagita, Nadisgrasya sa Pera

HAGONOY, BULACAN – UMIIYAK na dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 13-anyos na dalagita kasama ang kanyang tiyahin upang ipagharap ng reklamo ang kanilang kapit-bahay na umano’y gumahasa sa kanya matapos mangutang ng pera sa suspek.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rolly Santos kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Roderick Inocencio Y Baluyot, 38 anyos, residente ng Sitio Sukol, Brgy. San Sebastian; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Samantha, kapit-bahay ng suspek.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Sr. Inspector Lilibeth Ngoho ng Women’s and Children’s Protection Desk, dakong alas-9:00 ng gabi ng Oktubre 13, 2011 nang umano’y gahasain ng suspek ang dalagita sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Nabatid na nagpunta sa bahay ng suspek ang biktima kung saan inutusan siya ng kaibigan niyang babae upang manghiram ng pera, subalit makalipas ang ilang minuto, pinapasok umano siya sa kuwarto ng suspek bago iniabot ang pera, kung saan walang sabi-sabing sinibasib ng hayok sa laman na lalaki ang murang katawan ng dalagita.

Aniya, hindi niya nagawang magsumbong sa kanyang kaibigan at tiyahin dahil sa sborang takot na totohanin ng suspek ang bantang  papatayin siya nito.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.