Puri ng dalaga, laglag sa stick ng Banana-Q ni Kuya

PULILAN,BULACAN – HINDI na nagawang makapanlaban pa ng isang magandang dalaga, matapos tutukan ng stick ng Banana-Q ng isang lalaki nang makita ang makinis nitong alindog sa loob ng kulambo sa inuupahan nitong bahay sa Brgy. Cutcut sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr. ang suspek na si Melvin Guardiano Y Rosadinio, 23,binata, ng Parola –ll, Tondo, Manila, stay-in laborer ng isang warehouse sa Brgy. Taal; samantalang ang biktima naman ay nakilala lamang sa alyas na Jenifer, 23 anyos, isang cashier sa gasoline station.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-1:45 ng madaling-araw ng Lunes nang pasukin ng suspek ang silid ng biktima, kung saan agad itong tinusok sa leeg ng stick ng Banana-Q, at pagkatapos ay sapilitang hinubaran ang dalaga at pinagsamantalahan, habang tinutusuk-tusok ang leeg nito, base na rin sa salaysay ng biktima.

Samantala, agad namang nadakip ang suspek, makaraang makapagsumbong sa mga nagrorondang barangay tanod, kung saan sa pagmamadali ng suspek, naiwan nito sa kuwarto ang bullcap, brief at bracelet sa lugar. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.