Puri ng 3-Anyos, Kapalit ng Piso at Saging

UMIIYAK NA nagsumbong ang isang 3-anyos na batang babae matapos itong gahasain ng kanilang kapitbahay sa General Santos City.

Ayon sa biktima, binigyan muna siya ng piso at isang saging at isinama ng suspek sa kanilang bahay at doon pinagsamantalahan.

Itinuro ng biktima ang 47-anyos na nakilalang si Wilfredo Enriquez, may asawa at nakatira sa Lamkalyap, Polomolok, South Cotabato.

Matapos nakapagsumbong ang menor de edad sa kanyang ina, kaagad itong ini-report sa mga kinauukulan at nahuli ang nasabing suspek.

Nakakulong sa selda ng Polomolok Police Station ang suspek at sinampahan ng kasong rape.

Samantala, hindi naman inamin ng suspek ang alegasyon subalit handa umano niyang sagutin ang kaso sa korte. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.