Purga

 

TILA ISANG PURGA na pinipilit ipainom sa isang umiiyak na paslit ang Hayden Kho-Vicki Belo L’Affaire saga. Umugong ang balita na magpapakasal na ang mag-ina… ooops, ang dalawa. Bukang-laway ng mga taritat na kolumnista at TV-radio talk shows. Bandera ang kanilang litrato sa halos lahat ng showbiz tabloids.

Pwe, nakakapurga!

Talagang madaling makalimot at magpatawad ang Pinoy. Halos dalawang taon pa lang ang nakalilipas nu’ng na-expose ang pagkakalat sa internet ni Hayden ng malalaswang sex video nila ni Katrina Halili. Umani siya ng sangkatutak na poot at kundemnasyon. Sinampal siya ng maraming kaso.

Hanggang sa gumawa siya ng public apology kay Katrina. ‘Ala yatang nangyari sa mga kaso. Maaaring nagkaaregluhan o nagkabayaran. Ngunit ang hapdi ng sugat sa budhi ng mara-ming desenteng madla ay hindi pa maghilom-hilom.

Ngayon, balik na naman si Hayden sa limelight. Meron pa siyang bagong pino-promote na body ferfume manufactured in Paris. Sa mga tabloids at broadsheets, panay conjugal picture nila ni Vicki. Sa mga malalaking billboards sa Kamaynilaan, naka-plaster ang mukha ni Hayden, nakangiti at wari’y nag-uudyok sa pagpo-promote niya ng produkto.

Nasaan na ngayon ang kaawa-awang Katrina? Nangibang-bansa na ba siya? Ano ang kanyang kinabubuhay? Dasal namin na hindi siya matulad sa kapalaran ng magaling na mang-aawit, Didith Reyes, na sa pagkalaos ay kumakanta na lang sa mumurahing bars sa San Pedro, Laguna hanggang sa humugot ng huling hininga nu’ng nakaraang taon.

Purga.

 

KAPANSIN-PANSIN NA NAPAKAMAGALANG at very civil ang mga Senador sa kanilang questioning sa mga invited resource persons nu’ng mga nakaraang Senate PCSO probe. Wala nang takutan, sigawan, o asaran. Puro relevant questions ang mga tinatanong at kina-clarify. Sa isang salita, wala nang grandstanding in aid of reelection, he-he. Congrats and keep it up, mga Senadores!

Sa unang pagdinig, may napansin lang kaming laging out of tune sa pagsagot. Si G. Morato ay halos maputulan ng ugat sa leeg sa paggigiit ng kanyang irrelevant questions and answers. Kitang-kita sa TV screen ang pinipigil na pagkainis at pagkayamot nina Senators Drilon at Lacson. Talagang ganyan si Morato, may dalawang bibig, sabi ng isang salbaheng kaibigan.

Si Senate Blue Ribbon Chairman Guingona, kahit bagito pa, ay isang rebelasyon. Mahinahon at mahusay magdala ng hearing. Very fair at focused. Ang problema ko lang sa kanya, ang kanyang parang headlight at natural na nanlilisik na mata. Kailangan ko tuloy gumamit ng antipara para huwag masaktan ang aking mata ‘pag pinanonood ko siya, joke lang.

Ayos!

 

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Ike Gutierrez

About the Author

has written 222 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.