Purefoods TJ Giants, target ang grandslam 2nd Conference!

HALOS DALAWANG LINGGO ang vacation ng Purefoods TJ giants, pagkatapos nilang masikwat ang kampeonato. Sa March 21, ang opening ng 2nd conference. Pero bago simulan ang ikalawang yugto ng conference, ginanap ang victory celebration ng purefoods na sa kampo ng San Miguel. Hindi magkandaugaga ang fans at panauhin ng purefods sa kanilang party. Nakisaya rin sa kanila ang mga asawa, anak at girlfriends ng mga players.

Si Katherine de Castro, anak ni Vice-President Noli de Castro ang host ng party, nakita rin namin si Ciara Sotto.

Nasa cloud nine pa rin ang mga alipores ni coach Ryan Gregorio. Siguro naman, ngayong nabalik ang pagiging champiom ng Purefoods, tapos na rin ang intriga kay coach Gregorio na papalitan na siya as a head coach ng team. Napatunayan pa rin ni Ryan na may asim pa rin siya sa pagiging head coach ng team.Sa totoo lang kasi, marami ang nagkakainteres sa puwesto ni Gregorio kaya siya ginagawan ng intriga,

Ngayong napa-champion ni coach Ryan ang Purefoods, dapat magsitabi-tabi na ang mga nagkakainteres na palitan siya sa team. Ayon nga sa kanya, laking pasasalamat niya sa kanyang mga players lalo na kay James Yap, na siyang naging daan ng pagsikwat ng kampeonato ng team, katulong sina Roger Yap at Kerby Raymundo na malaking bagay rin ang ang ginawa rin. Bawat game ay may mga ginampanang papel sina Kerby, na naging Best of the Game, Marc Pingris, at Roger Yap. Hindi rin naman mababale-wala ang ginawang magandang laro ni rookie Rico Maierhofer at ni Paul Artadi.

Higit sa lahat, malaki ang pasasalamat ni coach Gregorio sa pagbabalik nina Pingris at Artadi sa team na siyang naging susi rin sa pagsungkit ng finals crown. Mukhang sina Pingris at Artadi ang nagpunan ng kakulangan ng Purefoods kaya balik-champion team ang naturang koponan.

Sa pagbubukas ng 2nd conference, nakatuon ang pansin ng Purefoods na maka-grandslam sila, na muling makasungkit nang kampeonato. Abangan natin ang Purefoods ngayon.

BAGAMAT TAPOS NA ang basketball career ni Alvin Patrimonio, wala pa ring kupas ang kaguwapuhan ni Kap na siyang tawag ngayon kay Patrimonio. Kahit saan tumungo si Alvin, pinagkakaguluhan pa rin siya ng mga basketball fanatics.

Bakit kaya si Alvin ay tila allergic sa paggi-guest sa mga TV shows? Ayaw ni Patrimonio na mag-guest, kasi tumaba na raw siya. Sa kasalukuyan, siya ngayon ang team manager ng Purefoods.

Malou Aquino
Sportz Bizz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.