Purefoods TJ Giants, sabungero na!

NGAYON PA LAMANG ay excited na ang Purefoods TJ Giants, sa kanilang bagong pangalan na dadalhin sa 2nd conference.

Last Wednesday, nagpatawag ng presscon ang management hinggil sa pagpapalit nila ng pangalan ng team. Ang Purefoods ay makikilala na sa susunod na conference bilang B-MEG DERBY ACES LLAMADOS. Parang mahirap yatang banggitin ng mga magpapakilala sa PBA ang bagong name ng naturang team.

Hindi kumpleto ang mga player nang ipakilala sila. Si Kerby Raymundo ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Phuket, Thailand habang si Rafi Reavis naman ay umuwi ng Estados Unidos. By March 22 pa kasi ang resume ng practice ng B-Meg Derby Aces Llamados.

Si Coach Ryan Gregorio nga ay umalis kahapon patungong Singapore, ipinasyal naman ang kanyang buong pamilya na siyang bonus sa mga mahal sa buhay. Ayon nga kay Coach Gregorio, “Siguro naman this time wala na akong mababasang ‘isang coach na papalitan’,” natatawa niyang sabi sa amin.

Ang malaking katanungan ngayon, ang bagong pangalan bang dadalhin ng Purefoods ay maging suwerte rin kaya sa kanila. Mukhang magiging sabungero ngayon ang mga manlalaro ng TJ Giants, huh!

GOOD LUCK sa bagong pangalan ninyo…

Tingnan ninyo ang mga picture na nakalakip dito sa mga kuha ni Mr. Tony Lu… abangan po ninyo ang part 2 ng champions picture ng Purefoods na lalabas sa Monday sa Luking Good with no other than Mr. Tony Lu at ng inyong lingkod.

By Malou Aquino, Photos by Tony Lu

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.