Love Compatibility: Puppy Love or True Love? (Erich Gonzales – Enchong Dee)

Screen Name: Erich Gonzales
Real Name: Erika Chryselle Gancayco Gonzales
Birthday: September 20, 1990
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Earth

Screen Name: Enchong Dee
Real Name: Ernest Lorenzo Dee
Birthday: November 5, 1988
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Quality: Fixed
Element: Water

Katulad na lamang ng mga katauhan nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa kanilang pinagbibidahang teleserye, ang buhay ng dalawa nating bida ay punung-puno ng kulay at drama. Pero siyempre, ibang usapan na rin kapag naging magkapareha sila sa isang palabas at sa tunay na buhay!

Eh, papaano naman kaya kung biglang tinamaan ng lintek na pana ni kupido ang dalawa at tuluyang mamuo ang romansang matagal na nilang itinatago (kunwari lang). Dahil bukod sa teleserye nila, ang loveteam na EnRich ay magkapareha rin sa isang digital film. Mauuwi na kaya ito sa totohanang pag-iibigan? O, isa na naman itong kaso ng pampakilig factor lamang sa masugid nilang tagahanga? Aba’y atin nang alamin!

Si Erich ay isinilang noong Setyembre 20 at ang kanyang zodiaz ay Virgo. Samantalang si Enchong ay noong Nobyembre 5 at napapasailalim sa zodiac ng Scorpio. Ayon sa kanilang compatibility chart ay maganda ang takbo ng kanilang pagkakapareha. Sa katunayan, ang basic na katangian ng mga Virgo ay bagay na bagay sa mga katangian ng mga Scorpio. Pareho silang praktikal pagdating sa buhay at pag-ibig. Gustung-gusto rin nilang mag-analyze ng iba’t ibang tao kahit na ang kanilang pamamaraan ay magkaiba nang kaunti.

Ngunit hindi ibig sabihin nito ay walang silang problema. Ang Scorpio kasi ay matapang na tao at tila ba walang kinatatakutan. Mahilig siya sa mga adventure at lumabas kasama ang mga kaibigan. Taliwas ito sa pag-uugali ng isang Virgo na mas gustong tumigil sa isang lugar at obserbahan ang paligid. May mga pagkakataon ding masyadong matigas ang ulo ng Scorpio at hindi kinakaya ng powers ng mas mahiyaing Virgo.

Pero huwag mag-alala mga kaparazzi! Hindi ibig sabihin nito na mauuwi sa wala ang kanilang magandang pagtitinginan. Ang totoo pa nga niyan, ang pagiging passionate at mapusok ni Scorpio ang maglalabas sa itinatagong katauhan ni Virgo. Pareho rin nilang mararamdaman ang security sa kanilang pagsasama at magiging tapat sila sa isa’t isa. May mga bagay man silang hindi napag-uunawaan paminsan-minsan, ngunit hindi ito magiging hadlang upang lumigaya ang kanilang pagsasama.

Kaya naman para sa mga fans ng ating paboritong underaged tandem na sina Nene at Jojo, huwag kayong mag-alala! Kung sakaling may mas higit pang namamagitan sa kanilang dalawa kahit na wala sila sa likod ng kamera, makaaasa kayong ang loveteam na EnRich ay nakasisigurong maganda ang kalalabasan!

by Jerome Caraballa

loading...

10 thoughts on “Love Compatibility: Puppy Love or True Love? (Erich Gonzales – Enchong Dee)

  1. wew!! nakakakilig talaga sila enchong at erich!!!ovher… sana sila na 4rever… sana mauuwi na ang kanilang pag iibigan sa simbahan…agree?????????sana marami pa silang shows together,.. promise, aabangan q yun!!

  2. I’m a ENRICH addict so much!!! sna mgkaMovie sila together… “Sori Girls pero ENCHONG is mine NOW”- jhasmine a.k.a ERICH ng btangas.

  3. hi po!!!!bagay nabagay talaga po kayo,sana pumunta kayo dito sa ORMOC CITY para makita namin kayo in personal
    si haide po ito,god bless you too
    mwuhhhhhh,,,,,…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.