PUP-VP slay case, may lead na – PNP

HININGAN NA NG mga imbestigador ng salaysay ang apat na mga testigo sa nangyaring pagpaslang kay Polytechnic University of the Philippines (PUP) vice president Augustus Cezar.

Maliban sa mga testigo, nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng motorsiklong ginamit na get-away vehicle ng suspek, ayon kay Manila Police District head C/Supt. Roberto Rongavilla.

Batay sa testimonya ng mga nakakita, lulan umano ng kulay itim na Enduro motorcycle na may plate number 4991, ang bumaril kay Atty. Cezar sa panulukan ng Pureza St. at Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta. Mesa, Manila.

Sugatan din sa insidente ang isang nurse na nakilalang si Niña Norolla, na nasa loob ng isang convenience store nang mangyari ang pamamaril.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .45 baril si Cesar.

Maliban sa posibleng isyu sa loob ng PUP, tini-tingnan din ngayon ng mga kinauukulan kung may mga personal na kaaway ang biktima.

Si Atty. Cezar ay tubong Aklan at nagtuturo ng Accounting at Law subjects sa nabanggit na unibersidad. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.