Punong niyog na apektado ng sakit na cadang-cadang, bumaba ang bilang – PCA

BUMABA ANG bilang ng mga punongkahoy ng niyog na apektado ng sakit ng nasabing halaman na kung tawagin ay cadang cadang, batay sa datos ng Philippine Coconut Authority ng Department of Agriculture.

Ayon kay PCA Administrator Euclides G. Forbes na ang maganda rito ay kahit na hindi pa napuputol ang mga apektadong puno ay maaari na itong palitan sa pamamagitan ng pagtatanim muli dahil walang insektong nagdadala ng sakit na matatagpuan rito.

Nabatid na ang nasabing sakit ay nakahahawa sa mga puno bunsod ng impeksyon sa pamamagitan ng mga karit, bolo o itak na gamit ng magbubukid o magniniyog.

Batay sa kanilang ginawang pag-aaral at survey na rin sa Region 4-A at 5, na kilalang may malaking

bilang ng mga plantasyon ng niyog, sinasabing malaki ang ibinaba ng bilang ng mga infected na puno.

Isa ang niyog sa pinakamahalagang produktong iniluluwas ng bansa at dati ang ating bansa ang numero unong eksporter nito.

Ngunit dahil sa buma-baba na rin ang bilang mga mga itinatanim na niyog at matanda na ang ilang mga punongkahoy na batid na marami ring silbing pang-ekonomiko, natalo at naungusan na tayo ng bansang Indonesia sa produksyon, bagaman marami pa rin sa atin ang mga magni niyog.

 (MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.