Punong Barangay, Monitoring Kapag Masama ang Panahon

NASA MONITORING status ang mga punong barangay sa lungsod ng Navotas kapag may paparating na bagyo o masama ang panahon at kailangan ay ipagbigay-alam muna sa alkalde na siyang magdedeklara na suspinde ng klase sa oras ng pagbuhos ng malakas na ulan, pagbaha, at iba pang masamang panahon.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, dapat alas-10 ng gabi pa lamang ay makipagkoordina na ang punong barangay sa kanilang tanggapan at principal ng paaralan kapag nag-anunsiyo ang PAGASA na masama ang kundisyon ng panahon nang sa gayon ay maabisuhan sila na maaari nang ikansela ang klase sa kanilang nasasakupan.

Base sa Presidential Executive Order No. 66, ang punong barangay, bilang pinuno ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), ay makikipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan na nasasakupan niya at awtorisadong kanselahin o suspendihin ang klase nang hindi lalagpas sa ala-4 ng umaga para sa pang-umagang sesyon at alas-10:30 ng umaga para sa mga panghapon na klase.

Pinaalalahanan din ng alkade ang mga punong barangay na kapag nagsalita sila sa publiko ng kanselasyon ng klase, kailangan ay banggitin lamang nila ang mga eskuwelahan na apektado para maiwasan ang pagkalito.

Mas maigi ring mag-monitor simula alas-10 ng gabi o alas-2 hangang alas-3 ng madaling-araw ang mga punong barangay at makipagkoordina sa mga principal ng eskuwelahan at ipaalam na rin sa alkalde sakaling ang PAGASA ay mag-anunsiyo na mayroong bagyo.

Maari ring gamitin na komunikasyon sa pag-anunsiyo ng kanselasyon ng klase ay sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mensahe sa text o pagbibigay impormasyon sa mga mamamahayag, atbp.

Sakali namang sumama ang panahon pagsapit ng alas-7 hanggang alas-8 ng umaga, ang mga mag-aaral ay nasa kani-kanilang paaaralan na, mahigpit na huwag payagan ng principal ang mga estudyante na umuwi sa kanilang bahay.                   (M.S)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.