Puno, sasangga sa bala para kay P-Noy

HINDING-HINDI TATALIKURAN NI Department of the Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno ang Pangulong Benigno Aquino III sa dungis na iniwan ng hostage tragedy sa kasalukuyan nitong administrasyon.

Sa pahayag ni Puno, kahit kailan ay wala itong balak na talikuran at pabayaan si P-Noy. “I am willing to take a bullet for him. I never leave anyone. We have been friends for so long. Why should I abandon him now of all times?”

Si Puno ang pinakamataas na opisyales ng administrasyon na malaki ang naging partisipasyon sa madugong insidente noong Agosto 23, at hindi si Secretary Jesse Robredo, na in-charge sa police and public order ng DILG, bunyag ng Malacañang.

Nakapagtapos si Puno ng kursong Agricultural Economics sa University of the Philippines sa Los Baños, Laguna.

Ayon, sa ilang taga-DILG, hindi raw si Puno ang karapat-dapat sa naturang posisyon.

“He is in control of a very sensitive sector… The person for this position needs to be highly qualified. He is not even a lawyer,” pahayag ng isa sa mapagkakatiwalaang source ng DILG.

“Ganito ba ‘yung daang matuwid? It’s OK to put people you trust in sensitive positions. But they should have the necessary qualifications.” Ayon pa rin sa mapagkakatiwalaang source sa naging pangako ni P-Noy sa kanyang kampanya noong nakaraang halalan.

“I don’t know what kind of qualification are needed for the position. I don’t understand that. This is the mandate from the President (Aquino). We campaigned for him, we risked everything for him. Then we will leave him? We have to help him now to run this government honestly,” tugon naman ni Puno.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Puno, sasangga sa bala para kay P-Noy

Leave a Reply

Your email address will not be published.