Pumatay sa Striker ng Parak, Arestado sa Buy-Bust

SWAK SA kulungan ang isang drug pusher na itinuturong bumaril at nakapatay sa isang striker ng Caloocan City Police-Station Anti Illegal Drugs (CCP-SAID) sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ni P/Supt. Jackie Candelario, hepe ng CCP-SAID ang naarestong suspek na si Joselito Sauselo, 44, binata, dating bilanggo ng Muntinlupa Penal Colony at residente ng # 471 Int. 3, Heros Del 96 ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Candelario, kasalukuyang nagsasagawa ang kanyang mga tauhan na si PO3 Ferdinad Modina, team leader, PO3 Jeffrey Pacis, PO2 Joel Rosales, PO2 Evan Santos at PO3 Gilbert Soriano ng buy bust operation sa lugar ng suspek.

Isa sa mga nabanggit na pulis ang nagpanggap na buyer ng Shabu at habang tinatanggap ng naarestong suspek ang marked money kapalit ng Shabu ay kaagad itong dinakma.

Nakumpiska kay Sau-selo ang dalawang ma-

liliit na transparent plastic na naglalamaan ng pinaniniwalaang Shabu at dalawang piraso ng tig-P50.00 pesos bill.

Matapos na maaresto ang nasabing suspek ay naglitawan na umano ang mga konsernadong kapitbahay at itinuturo si Sauselo na ang siyang bumaril at nakapatay sa biktimang si Ronnie Haw, 39, binata, at striker ng CCP-SAID.

Magugunita na no-ong nakalipas na Abril 6 ng taong kasalukuyan bandang alas 11:30 ng gabing nang barilin ng suspek si Haw sa batok ng hindi nabatid na kalibre ng baril na nagresulta sa maagang kamatayan ng biktima.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.