Pumatay sa Rapper, Nadakip Na

NADAKIP NA ang kelot na pumatay sa rapper makalipas ang mahigit isang taon dahil sa asaran sa pagra-rap sa Caloocan City.

Kinilala ni Chief Insp. Manolo Salvattiera, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng Camanava ang suspek na si Rommel Villanueva, 31, ng Langaray St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Si Villanueva ang itinuturong pumatay sa biktimang si Marvin Caparoso, 22, ng Block 28, Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 kamakalawa ng gabi nang madakip ang suspek sa kanilang bahay sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Oscar Barrientos ng RTC Branch 123.

Nabatid na noong Nobyembre 14, 2010 nang pagsasaksakin ng suspek ang biktima sa Dagat-dagatan matapos magkaasaran habang nagra-rap o mas kilala sa “Flip Top”.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at kagabi ay natiyempuhan ng mga tauhan ng CIDG.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.