Pumatay sa negosyante, kinasuhan na sa piskalya

PORMAL NANG sinampahan ng kasong Murder at Attempted Murder sa Bulacan Prosecutor’s Office ang gunman na responsble sa pagpatay sa isang negosyante at malubhang ikinasugat ng kanyang asawa habang lulan ng Toyota Vios sa Luis Tiongco St. Brgy. Sto Niño, Baliuag, Bulacan nito lamang Setyembre 6, 2013.

Kinilala ni P/Supt. Julius Ceasar Domingo ang suspek na si Rufino Garcia, alyas Patikim, gun for hire, residente ng Brgy. Mapanique, Candaba, Pampanga.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, kinilala ng asawa ng biktima ang suspek sa pamamagitan ng Rouge Gallery ng Baliuag PNP, kung saan nadiskubre rin na may pending case sa San Fernando City RTC sa Pampanga sa kasong Homicide.

Si Garcia ang bumaril at nakapatay kay Ryan Hipolito, 31 anyos, at bumaril din sa asawa nito, habang lulan ng kotse, kung saan papauwi na sila sa kanilang bahay sa Brgy. Barangka.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng mga pulis laban sa suspek.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.