Pumatay sa nanay, kapatid at pamangkin ni Jennifer Hudson nahatulan ng guilty!

GUILTY ANG naging hatol kay William Balfour, ex-brother-in-law ng American Idol alumna at Academy winner na si Jennifer Hudson!

Nahatulan ng guilty si Balfour ng three counts of first-degree murder sa 2008 shooting kung saan pinatay nito ang ina ng singer na si Darnell Donerson, kapatid nitong si Jason Hudson at ang 7-year old na pamangkin ni Jennifer na si Julian King.

Kasama ni Jennifer na nakinig sa hatol ang kanyang fiance na si David Otunga, kapatid na si Julia Hudson at ang ilang miyembro ng kanyang pamilya .

Matatandaang noong 2008 ay pinatay diumano ni Balfour, estranged husband ng kapatid ni Jennifer na si Julia, ang ina ng singer na nag-umpisa diumano sa matinding selos at nauwi sa pagpatay sa ina at kapatid ni Jennifer sa kanilang tahanan, samantalang kinidnap naman ang pamangkin ng singer na kalaunan ay natagpuang patay sa isang nakaw na SUV.

Inamin naman ng singer/actress na sa umpisa pa lang ng relasyon ng kanyang kapatid kay Balfour ay hindi niya na nagustuhan ito.

 

PAMILYA NI WHITNEY HOUSTON, MAGKAKA-REALITY SHOW!

 

MAKAKASAMA SA isang docu-series reality show na “The Houston Chronicles” ang anak ng namayapang Diva na si Whitney Houston ang kanyang anak na si Bobbi Kristina Brown and ina na si Cissy Houston.

Ang naturang reality show ay magpo-focus sa brother ni Whitney na si Gary Houston at sister-in-law na si Pat Houston.

According to Lifetime, the show “follows those closest to the pop icon as they try to pick up the pieces after her untimely death.”

Susundan ng Lifetime ang bawat galaw at gawa nina Gary at Pat lalo na sa pagsuporta at paggabay sa kanilang pamangkin na si Bobbi Kristina ngayong nag-iisa na lamang ito na halos buong buhay ay kasama ang namayapang inang singer.

Ayon pa sa Lifetime Networks executive na si Rob Sharenow, “The tragic loss of Whitney Houston left a void in the hearts of people all over the world, but certainly none more so than her beloved family… In this series, the multi-generations of the Houston family will bravely reveal their lives as they bond together to heal, love, and grow.”

Matatandaang nagkaroon na rin ng reality show ang mga magulang ni Bobbi Kristina na sina Whitney at Bobby Brown noong 2005 na pinamagatang “Being Bobby Brown” subalit hindi ito kinagat o tinangkilik ng mga tao at kalaunan ay nawala na rin sa ere.

Later this year mapapanood ang “The Houston Chronicles”.

 

JOHN TRAVOLTA, INOPERAN ANG ISANG LALAKI NG $12,000 PARA MAKIPAGTALIK?!

 

ISA NA namang akusasyon ang lu-mabas na diumano’y hinaras din siya ng “Grease” superstar na si John Travolta!

Ang pangatlong lalaki na nag-akusa ng sexual harassment sa aktor ay pinangalanang si Fabian Zanzi na taga-Chile.

Naganap diumano ang sexual harassment sa kanya ni Travolta noong nagtatrabaho pa siya sa Royal Caribbean noong 2009 kung saan in-charge siya sa VIP guests at naging guest daw nila ang aktor sa nasabing cruise.

“He had something on his neck. I thought it was fuzz. As I approached, he took off his white coat and was naked. He hugged me and asked me to do a massage,” kuwento ni Zanzi.

Inoperan pa raw sya ni Travolta ng $12,000 para lang makipagtalik pero tumanggi siya.

Matatandaang may dalawang masseurs na ang lumabas at nag-file ng sexual harassment sa halagang $2 million in damages na pinabulaanan naman ng lawyer ni Travolta na si Marty Singer at pawang mga kasinungalingan daw ang mga akusasyon.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.