Pumatay sa kapatid, kasakay sa barko Lalaki, tumalon sa dagat

TUMALON SA dagat mula sa sinasakyang barko ang isang lalaki matapos makitang nakasakay rin sa nasabing barko ang suspek sa pamamaslang sa kanyang kapatid.

Ayon kay Estrada Elacion, 33-anyos, tumalon siya sa kalagitnaan ng karagatan ng Matnog Bay, Sorsogon matapos makitang kasakay niya sa MV Don Herculano ang sinasabing suspek na pumatay sa kanyang kapatid.

Aniya, takot ang nagtulak sa kanya para gawin ang pagtalon sa dagat.

Samantala, nailigtas naman si Elacion ng mga residente na malapit sa lugar matapos radyohan ng kapitan ng barko na si Rogelio Durano, ang Coast Guard Detachment. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.