Pumatay sa Guidance Counselor ng UE, dakip

INARESTO NG Manila Police District (MPD) ang pangunahing salarin sa pagpatay sa guidance counselor ng University of the East (UE) sa isinagawang operasyon sa Quirino Highway, Quezon City.

Dakip si PJ Natividad Romero, 19-anyos na construction worker, at umamin sa pagpaslang sa 42-anyos na si Rowena Calo.

Ayon salaysay ng suspek, wala siyang masamang plano nang datnan si Calo sa tinutuluyan din niyang apartment. Kalalabas lang aniya nito ng banyo at nakatuwalya lamang.

Lasing aniya siya kaya nagdilim ang paningin nang sitahin ni Calo sa pag-iinom.

Sinakal niya ito at binusalan saka hinila papasok ng silid.

Itinanggi naman ni Natividad na ginalaw niya ang biktima. Nahulog lang aniya ang tuwalya nito habang nagbubuno sila.

Inamin din ng suspek na kinuha niya ang alkansya na naglalaman ng P15,000 at dalawang cellphone ng biktima.

Kakasuhan naman ng Robbery with Homicide si Natividad.

Matatandaang Marso 18 nang matagpuang patay si Calo sa kanyang inu-

upahang bahay sa Sampaloc, Maynila.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.