Pumatay sa Ex-Barangay Chairman, Arestado na

PORMAL NANG sinampahan ng kaso ang suspek na bumaril at nakapatay sa isang dating barangay chairman sa Brgy. Turod, Badoc,Ilocos Norte.

Sa ulat na inilabas ni Senior Insp. Leonardo Tolentino, hepe ng PNP Badoc, kinilala ang suspek na si Esteban Laeno nasa hustong gulang residente sa nabangit na lugar.

Matatandaang  binaril at napatay ang biktimang si Brgy. Kagawad Amor Tacay, habang papauwi na ito sa kanilang bahay lulan ng kotse kasama ang kanyang asawa, na sugatan din sa pamamaril.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis naaresto kahapon ng pinagsanib na puwersa ng PNP Provincial Police Office at PNP Badoc.

Paglabag sa kasong RA 8294 o Illegal Possession of Firearms matapos makuha sa kanya ang isang armalite at isang carbine, ang ikakaso sa suspek dagdag sa kasong Murder at Frustrated Murder.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.