Pumatay sa Barangay Captain, Pinaghahanap

PUSPUSANG PAGHAHANAP ang isinasagawa ngayon ng mga elemento ng Caloocan City Police laban sa dalawang hindi nakikilalang riding in tandem na bumaril at pumatay sa isang barangay chairman sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ayon kay Caloocan City Chief of Police Senior Supt. Rimas Calixto, ang binaril at napatay ay si Acting Barangay 67 Chairman Elrey Magat, 26, residente ng P. Gomez St., Caloocan City.

Nabatid na dakong alas-3:10 ng hapon nang barilin at mapatay ang nasabing barangay chairman sa kahabaan ng Florenciana St. habang pinapasada ang kanyang tricycle.

Napag-alaman pang habang binabagtas ng biktima ang nasabing lugar ay sumabay ang dalawang hindi nakikilalang suspek sakay ng isang motorsiklo at isa sa mga suspek ay kaagad na pinaputukan ang biktima na tinamaan sa gawing ibababa ng pa-nga ng biktima.

Nang humandusay sa kalsada ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo sa hindi nabatid na direksiyon.

Ilang konsernadong residente sa nasabing lugar ang mabilis na nagdala sa biktima sa Manila Central University hospital subalit habang nilalapatan ng lunas ng mga manggagamot si Chairman Magat ay na-lagutan na ito ng hininga.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang pulisya ng follow-up operation para matukoy ang dalawang hindi nakikilalang suspek at ang motibo sa likod ng pagpatay sa nasabing biktima.

Samantala, nababahala naman ang mga konsernadong residente sa Caloocan sa lumalalang krimen sa kanilang lugar sa ilalim ng pamumuno ng kanilang mayor na si Recom Echeverri. Hiling nga mga ito na paigtingin ng kanilang lokal na pamahalaan ang seguridad at kaayusan sa buong Caloocan.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.