Pumatay, Gumahasa at Nagnakaw sa Biyudang Tutor, Nadakip Na

NADAKIP NA ng mga pulis ang suspek na pumatay, gumahasa at nagnakaw sa biyudang tutor mahigit isang linggo na ang nakararaan sa Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si Wilson Rubio, 33, ng F. Santos St., Pasolo ng lungsod.

Sa record ng pulisya, Pebrero 19, 2012, alas-6 ng umaga nang matagpuang tadtad ng saksak ang biktimang si Narrisa De Guia, 43, at kapitbahay ng suspek.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nakita ang suspek na tumalon palabas ng bakod ng biktima bago natagpuan ang bangkay ni De Guia.

Lalong lumalakas ang hinala ng mga pulis nang maglaho sa nasabing lugar ang suspek hanggang sa malaman na nagtatago sa Pampanga.

Alas-10 ng gabi kamakalawa ng gabi nang nadakip ang suspek sa pinagtataguan sa San Luis, Pampanga.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.