Pumalag sa mga holdaper Negosyante, inatado ng saksak sa harap ng anak

KRITIKAL SA pagamutan ang isang negosyante matapos pagsasaksakin ng tatlong hindi pa kilalang kalalakihan na hinihinalang mga holdaper sa harap ng kanyang anak nang pumalag ang una sa mga huli kamakalawa ng hating-gabi sa Caloocan City.

Patuloy na inoobserbahan sa Dr. Rodriguez  Hospital sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Joselito Calagos, 42, may asawa, ng Brgy. 179 Camarin, Caloocan City.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng hating-gabi, nang maganap ang insidente sa Jasmin St, ng nasabing lungsod.

Binabagtas ng biktima ang nasabing lugar kasama ang kanyang anak na babae sakay sa kanilang service na pedicab galing sa pagdedeliber ng mga itlog.

Dito, agad na hinarang ng mga suspek ang biktima saka tinutukan ng patalim at sapilitang kinukuha ang pitaka nito ngunit pumalag ang biktima dahilan upang pagsasaksakin ito. Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek at iniwan duguan ang biktima.

Humingi naman ng tulong ang anak ng biktima upang dalhin sa nasabing pagamutan ang ama, kung saan habang sinusulat ang ulat na ito ay nasa malubhang kalagayan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.