Pumalag sa mga Holdaper Helper, Tinarakan sa Harap ng Syota

KRITIKAL SA pagamutan ang isang helper matapos itong saksakin ng dalawang holdaper nang pumalag ang una sa mga huli kasama ang kanyang kasintahan kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Eric Egang, 19, ng Block 28, Lot 22, Phase 3, Brgy. 7, Caloocan City.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa Malabon City Square na matatagpuan sa kahabaan ng C-4 Road, Letre ng naturang lungsod.

Kasalukuyang nakatayo ang biktima kasama ng kasintahan nito sa naturang lugar nang lapitan ng dalawang suspek na armado ng patalim sabay deklara ng holdap at sapilitang kinukuha ang pera, cellphone at iba pang mahahalagang gamit.

Ngunit nanlaban si Egang sa mga suspek kung kaya’t pinagsasaksak ito sa harap ng kanyang kasintahan saka nagsitakas habang dinala naman sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang una. Ilang minuto ang makalipas ay inilipat rin sa JRMMC.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.