Pumalag sa holdap Taxi Driver, Todas sa Saksak

PATAY NA ng matagpuan sa loob ng isang taxi ang driver nito na may malalim na tama ng saksak sa kanang bahagi ng leeg at ilalim na bahagi ng kanang tagiliran na pinaniniwalaang pumalag sa holdap.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Elvis Diaz kay P/S Supt. Fermando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Ubaldo Tanan Y Angtad, 42 anyos, residente ng # 45 Delecia Bldg., Kalayaan Ave., Quezon City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Chief Inspector Dra. Edith Marquez ng Scene of the Crime Operatives, sakay ng kulay puti na Nissan Sentra na may plakang UVG-110 at may tatak na Goldcars Transport Inc. ang biktima.

Dakong alas-8 ng umaga nang makita ng ilang mga residente ang nakaparadang taxi sa likurang bahagi ng TESDA Training School sa Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Lumilitaw rin sa im-bestigasyon na posibleng nanlaban ang driver dahil sa maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito. Samantala, nakalagak ang labi ng biktima sa Good Shepherd Memorial Chapel sa Malolos City.

Kaugnay nito patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.