PULITIKO, BAWAL SA GRADUATION RITES

BINALAAN KAHAPON NG Department of Education (DepEd) ang mga opisyal ng public schools sa buong bansa na hindi pinapayagan ang mga pulitiko sa “graduation rites” para hindi magamit sa kanilang “pagpapapogi” sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ang babala ay ginawa ni DepEd Secretary Armin Luistro, bunsod ng impormasyon na nakarating sa kanyang tanggapan na noong mga nakalipas na graduation day ng mga batang magsisipagtapos sa elementarya at high school ay pinutakti ng mga pulitiko.
Ayon sa Kalihim, ang graduation ay isang reward ng mga magulang mula sa kanilang mga anak na nagsikap para makatapos ng pag-aaral kaya marapat lamang na huwag samantalahin ng mga pulitiko para sa kanilang pamumulitika.
Pinayuhan rin ni Sec. Luistro ang mga principal at mga guro na gawing simple lamang ang graduation rites at iwasan ang magarbong okasyon, na makakaragdag lamang sa gastusin ng mga magulang.
Una nang ipinalabas ng Kalihim ang DepEd Order No. 4, upang bigyang-diin ang kanilang polisiya sa pagdaraos at paggastos sa graduation rites, partikular na tinukoy na hindi dapat magkaroon ng magarbong kasuotan at gawin na lamang ang graduation sa kani-kanilang mga paaralan.
Umapela rin ang DepEd sa mga paaralan na huwag nang magdaos ng graduation parties na nanga-ngahulugan lamang ng karagdagang gastos para sa mga mag-aaral, maliban na lamang kung napagkasunduan ito ng parent-teacher association ng mga paaralan.
Kung hindi maiiwasan ang paniningil o bayarin ay kailangan u-manong boluntaryo lamang at hindi dapat sangkot dito ang mga guro o kaya’y ang principal.
Maaaring itakda ang graduation sa pagitan ng Abril 1 hanggang 7, 2011. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.