Pulis, utas; 2 arestado sa shootout

PATAY ANG isang pulis, arestado ang dalawang kawatan habang isa pa ang sugatan sa engkuwentro kamakalawa sa bayan ng Atimonan, Quezon.

Ayon kay Supt. Manuel Alcano Placido,Chief Regional Public Information Office (PIO) of Police Regional Office (PRO) 4A, ang nasawi ay si PO3 Francisco Villania na nagtamo ng maraming tama ng bala.

Sugatan naman ang suspek na si Arturo Jurado habang kalaboso sina Miguel Mollas Targa, taga-Mauban, Quezon; at Elmer Encina ng Calauag, Quezon.

Naganap ang engkwentro alas 2:50 ng hapon sa Barangay Angeles, Atimonan, Quezon.

Rumesponde si Villania kasama si PO2 Benito Reyes sa pagnanakaw sa Mr. D. Convenience Store. Subalit pagsapit nila sa lugar ay pinaputukan na sila ng mga holdaper dahilan para mamatay si Villania.

Narekober sa lugar ang Uzi sub-machine gun na may 16 live ammunition at dalawang basyo ng bala, isang calibre .38 revolver, limang cellphone, salaping nagkakahalaga ng P1,300 at tricycle na may plate number na 2760-DX na ginamit bilang gateway vehicle ng mga suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.