Pulis, tinutugis sa pangho-hold-up

NAGSASAGAWA NGAYON ng manhunt operation ang Caloocan City Police laban sa isa nilang tauhan at sa isang hindi nakikilalang kasama-han na umano’y nagsagawa ng panghoholdap sa loob ng isang billiard hall sa nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief Senior Supt. Jude Santos ang kanyang tauhang suspek na si PO1 Jake Zacarias, nakatalaga sa Pangarap police detachment, habang pinaghahanap din ang isa pang hindi nakikilalang suspek na kasamang nangholdap ng nasabing pulis.

Ang mga biktima naman ng holdap ay sina Erwin Evangelista, Nelson Feriol, Celso Mahinay, Christopher De Guzman, Rodirick Macay at Noli Espanola na pawang naninirahan sa  Brgy. 186, Tala.

Base sa ulat ni PO3 Jerry Gamueda, may hawak ng kaso, dakong alas-3 ng umaga kahapon nang maganap ang nasabing holdap sa loob ng isang billiard hall sa # 547 St. Joseph Ave., Brgy. 186, Tala, Caloocan City.

Lumalabas sa isinagawang pagsisiyasat ni PO3 Gamueda, mga lasing sa alak na nagsipasok ang mga suspek sa loob ng nasabing bilyaran at nagpakilalang mga pulis.

Sa puntong ito, pinapila ng dalawang suspek ang mga biktima sa isang madilim na lugar at saka pinagkukuha ang mga cellphone at pera ng mga biktima na nagkakahalaga ng P4,300 at pagkatapos ay mabilis na nagsilayas.

Kaagad namang ini-report ng mga biktima sa pulisya ang ginawang paghoholdap sa kani-lang ng mga suspek na kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation laban sa dalawang suspek subalit nagresulta sa negatibong paghahanap.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.