Pulis, sugatan sa pamamaril ng kabaro

SUGATAN ANG ISANG pulis matapos itong barilin ng isang tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa gitna ng kaguluhan na nagaganap sa Malabon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima na kasaluku-yang naka-confine sa PNP General Hospital sa Camp Crame ay nakilalang si PO2 Danilo Malana, 36, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 7 ng Caloocan City Police at residente ng Block 45, Phase 3, E2, Brgy. Longos, Malabon City.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng pulis na sinasabing bumaril sa biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi noong Huwebes sa harapan ng bahay ng biktimang pulis.

Sa naging salaysay ng biktima sa imbestigador, kasalukuyan itong nag-aalaga ng kanyang limang buwang gulang na anak nang marinig nito ang isang nagngangalang PO1 Nepay na nakatalaga sa HPG na may kaaway sa baba ng kanyang bahay.

Agad na bumaba ng kanyang bahay ang pulis at hindi pa man ito nagtatagal sa baba ay bigla na lamang umano itong binaril ng isang tauhan ng HPG na siyang naging dahilan upang magkasugat si PO2 Malana sa kaliwang balikat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.