Pulis, sabit sa holdap

SABIT SA PANGHOHOLDAP ang isang pulis at tatlong hindi pa nakikilalang kasama nito matapos ireklamo ng panghoholdap ng babaeng kalugar ng una sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Pinaghahanap na ng kanyang mga kabaro si PO1 Ollan Alexis De Guzman, nasa hustong gulang ng Sulukan St., Hulong Duhat ng lungsod at tatlong hindi pa nakikilalang kasama nito.

Sa pahayag ng biktimang si Elizabeth Ochoa, 44, ng Sulukan St., ala-1 ng umaga, kasabay niyang naglalakad ang isang kaibigan sa M. H. Del Pilar St., Maysilo ng lungsod nang tabihan ng isang kotseng hindi na nakuha ang plaka sakay ang mga suspek.

Isa sa mga suspek ang bumaba at lumapit kay Ochoa sabay tutok ng baril at hinatak papasok sa kotse.

Sapilitang kinuha ni De Guzman ang P3,500 ng biktima na nakalagay sa bulsa bago pinababa si Ochoa.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nagpunta naman sa presinto ang biktima at nagreklamo.                                 (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.