Pulis, Sabit sa Carnapping

SHOOT SA kulungan ang bagitong pulis at kasama nito matapos tangayin ang nakaparadang motorsiklo sa loob ng parking space sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na si PO1 John Rey Bautista, 30, nakatalaga sa Northern Police District; at si Venedict Lopez, 27 ng Sangandaan ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon, ipinarada ni Carlos Buccat, 30, ang kanyang Yamaha Mio sa parking lot ng Victory Mall sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod at pumasok sa nabanggit na mall upang may kausaping kaibigan.

Makalipas ang ilang sandali, binalikan ng biktima ang motorsiklo subalit laking gulat nang makitang dala na ng mga suspek na naging dahilan upang magsisigaw ang una.

Napansin naman ng mga pulis ang sigaw ng biktima na naging dahilan upang habulin ang mga suspek hanggang sa madakip, kung saan nakuha kay Lopez ang pin-lock na ginagamit sa pagbukas ng ignition key.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.