Pulis sa Valenzuela, Ilalapit sa Mamamayan

UPANG LALO pang mailapit ang loob ng mamamayan sa kapulisan, sa lungsod ng Valenzuela hindi na kailangan pa ng mga residente na magpunta pa sa presinto o istasyon ng pulis para magsampa ng reklamo matapos magsagawa ng programang ang pulisya ng “Valenzuela Police on Wheels”.

Ayon kay Senior Supt., Rhoderick Armamento, mayroong 12 van na may tatlong pulis, blotter at computer na may internet ang iikot sa iba’t ibang barangay ng lungsod upang tumanggap ng reklamo lalo na sa mga pangkaraniwang kaso upang hindi na magsadya sa presinto ang gustong magreklamo.

Kakabitan din ng sound system ang mga nasabing van na ginastusan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na may patugtugin na jingle upang malaman na nasa kanilang lugar na ang mga nasabing van.

Magsisilbing rin umanong pangtaboy sa mga holdaper at snatcher ang mga van dahil alam na nila na may mga pulis na nasa malapit lang at hindi na nila iisipin na mambiktima.

Mahalaga rin ang gamit na computer na may internet dahil kaya na ng mga pulis na kasama ng van na malaman kung carnap o hindi ang mga kahina-hinalang mga sasakyan na madaraanan.

Sinabi rin ni Armamento na hindi siya magdadalawang-isip na sibakin ang mga pulis na hindi agad reresponde sakaling may nagaganap na krimen sa kanilang nasasakupan.

“Ito para lalo pang mapaigting ang peace and order sa lungsod, lalo na’t nagiging very supportive ang aming mayor sa lahat na programa ng kapulisan,” ani pa ni Col. Armamento.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.