Pulis, Patay sa Riding in Tandem

HINDI NA umabot ng kanyang birthday ang pulis matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo habang lulan ng kotse ang una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala sa leeg at dalawa sa batok si SPO1 Manolo Caoile, 42, nakatalaga sa Highway Patrol Group Caloocan Satellite Office at residente ng Dagupan, Tondo, Manila .

Base sa ulat, alas-3 ng hapon, dala ng biktima ang Honda Civic habang sakay ang kaibigan na si Ryan John Villa, 30 at pagsapit sa 10th Avenue ng lungsod ay tinabihan ng mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Malapitang pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang biktima bago tumakas habang dinala naman si Caoile sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng pananambang kung saan nabatid na magdiriwang na sana ng birthday ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.