Pulis, Patay sa Duty

INAALAM NA ng mga pulis ang dahilan ng kamatayan ng kabaro na hinimatay habang naka-duty sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Bernardino General Hospital si PO3 Magelan Orna, 38 nakatalaga sa Police Community Precinct sa Barangay 178, Kiko, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, alas-6:30 ng gabi, naka-duty sa nasabing PCP ang pulis nang biglang himatayin at nawalan ng malay.

Dinala sa BGH ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay kung saan inaalam na ang dahilan ng pagkamatay ng una.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.