Pulis, Patay; Misis, Sugatan sa Ambush

INAALAM PA rin ng mga kinauukulan kung sino ang nasa likod ng pananambang at pagpatay sa kasamahang pulis at pagkasu-

gat ng asawa nito sa Quezon Province.

Kinilala ang nasawi na si SPO1 Rommel Valera, 40, ng PNP Infanta investigation section, habang sugatan ang misis nitong si Amy, kapwa residente ng Barangay Catambungan.

Base sa ulat ng nasabing himpilan, sakay ng motorsiklo ang mag-asawa nang biglang tambangan ng hindi nakilalang lalaki sa bahagi ng Purok Guapo sa Barangay Poblacion, Bantilan.

Isang lalaki umano ang tumawag ng “pare” sa naturang pulis dahilan upang tumigil ito.

Dito na umano siya binaril gamit ang kalibre .45 pistola, kung saan tinadtad ito sa bahagi ng ulo.

Agad na tumakas ang suspek na bumaril sa biktima at ang umano’y kasamahan nitong look-out sa direksyon ng Sitio Libis, Bantilan.

Sa ngayon, blangko pa rin ang pulisya sa nasabing insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.